Ikaw: Pag-ibig

ikaw at ang pag-ibig mo
ang pumapawi sa uhaw
na tila hindi sa tubig kundi
sa dampi ng iyong mga kamay…
mga yakap at halik na walng kasing lambing…
ang iyong pagibig
ang syang pumapawi sa pagkauhaw
sa gitna ng kawalan…
parang init na walang
kasing bagsik habang ang araw
ay nakatirik sa kalangitan…

ang pagibig mo ang syang
nagaalis sa kaba at takot
na bumabalot sa puso ko
sa gitna ng pagkabalisa
na parang karagtang di
mapantag dahil sa unos
na tila di na hihimbing
ang mga alon sa paghampas
sa baybay…

ang pagibig mo ang syang
aking ginhawa…tila parang
higaan kung san maaring
mahimlay sa tuwing ang
kaluluwa’t puso’y hapo sa araw araw…

ikaw at ang pag-ibig mo
ay husto na…

Advertisements